Wednesday, October 19, 2011

'' ANG BUHAY"

Kay sarap mamuhay sa mundong ibabaw
kung ito lang ay walang hadlang...................


Bawat isa sa atin iba't-iba ang estado sa buhay
pero iisa lang ang ating ninanais makamit
ang mamuhay ng payapa at maligaya

Sa ating pamumuhay tayo'y
napapaligiran ng mga di perpectong
bagay at tao
Tinitikman natin ang iba't ibang uri ng lasa ng pamumuhay
at ito'y bahagi lamang ng ating buhay 

Sari sari man ang ating kwento at pamumuhay magkaka iba man
tayong mga tao pero iisa rin lang naman ang ating 
hantungan......
              ang kamatayan............................